"DEAR FRIENDS, LET ISABEL GRANADA BE IN OUR THOUGHTS AND PRAYERS. LET US BE HAPPY THAT SHE IS WITH THE LORD NOW, IN PEACE. WITH NO PAIN CAUSED BY OVARIAN CANCER."
Ito ang nilalaman ng text message na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang dating entertainment editor. Ayon sa kanya, galing daw ito sa unknown source.
Ilang minuto pa ang lumipas ay sunud-sunod na ang text messages na natanggap ng PEP mula sa iba pang writers forwarding the same text message, at tinatanong kami kung totoo ang nilalaman nito.
Upang alamin kung totoo ito ay tinawagan ng PEP Managing Editor na si Karen Pagsolingan ang cell phone number ni Isabel Granada. Nagri-ring ang telepono ngunit walang sumasagot.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatanggap kami ng text message mula mismo kay Isabel—hindi raw totoo ang malisyosong text message. At buhay siya.
Narito ang nilalaman ng text message [published as is] ni Isabel, na ipinadala niya rin sa iba pang press:
"Whatever txt po nareceive nyo...i just [want] to let u knw Im good po..thank u po sa concern..i couldnt answer calls/txt, sensya napo. im ok po"
Nang tanungin ng PEP kung sino sa palagay niya ang nagkalat ng hoax text message, ito ang naging tugon niya sa text pa rin:
"Honestly wala ako idea, sobra morbid po ang mensahe...And i jst hope n pray tigilan ako ng taong nagkakalat ng death ko. God knows wen. wag sya magkalat nega news."
Hindi naman nilinaw ng 35-year-old actress ang tungkol sa sinasabing pagkakaroon niya diumano ng ovarian cancer.
Si Isabel ay nagsimula sa showbiz bilang isang child actress at napanood sa mga pelikula noon ng Regal Films. Naging miyembro rin siya ng youth-otiented show na That's Entertainment.
Huli siyang napanood sa isang episode ng drama anthology na Claudine at sa Panday Kids—parehong ipinalabas sa GMA-7—noong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment